TUNGKOL SA AMIN
Ang FlashPeso Lending Inc. (ang 'Kumpanya'), ay isang Non-Banking Finance Company na rehistrado sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at may pahintulot na mag-alok ng mga serbisyo sa pautang. Ang aming layunin ay matulungan ang milyun-milyong customer na makamit ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay.
Para matugunan ang inyong pangangailangang pinansyal, hindi na kailangang pumunta sa branch o tumawag pa. Gamit ang aming tech-driven na mobile App, maaari nang mag-apply online nang mabilis at walang hirap. Sa loob lamang ng ilang minuto, makakakuha ka na ng loan nang walang paperwork at abala. Ang inyong loan application, pati na ang pag-approve at pag-disburse ng pera, ay 100% digital.